sa harapan ko ay ang walang tigil
na pagikot ng mundo,
mga taong kumakayod at naghahanap
ng silbi sa nagiisang buhay.
Humihinga ng paisa isa,
nagbibilang ng araw sa sampung daliri
uulitin at uulitin,
hangga’t malilimutan ang huling bilang,
babalik at babalik sa simula,
parang sirang plaka na kanta ng kanta,
himig na gumagasgas sa magkabilang tenga.
hinihinaan ang paghigop ng hangin,
nagbabakasakaling makarinig
ng bagong himig,
ng bagong pagtawag,
ng bagong linya,
sa nagiisang buhay.